Who is UPD Ugnayan ng Pahinungód?

Our history and progress so far!

Ugnayan ng Serbisyong Pampubliko

See what the UP Diliman Community has to say through this Human Resource Library

Women of Pahinungod: Stories of Service

In the March of 2025, to celebrate Women’s Month, the UPD Ugnayan ng Pahinungód will highlight the experiences and contributions of its women volunteers. The Women of Pahinungód initiative will document their stories through interviews, showcasing their impact and how volunteerism has shaped their lives. This initiative recognizes their efforts and hopes to inspire others in the UP community to serve.

WE ARE DEDICATED

UPD Ugnayan ng Pahinungód Gallery

QUEERAPATAN: A Gender and Human Rights Roundtable Discussion

The Gender and Human Rights Roundtable Discussion is an initiative by Ugnayan ng Pahinungod UP Diliman to engage Pahinungod volunteers and other participants in a thorough exploration of pressing gender and LGBTQ+ issues. Recognizing the crucial connection between gender and human rights, this session, facilitated by a panel of experts, will address essential topics including gender-based violence, LGBTQ+ rights, and intersectionality. Volunteers will gain in-depth insights and practical knowledge from the discussion.

Testimonial

Recent Activities

Cover for UPD Ugnayan ng Pahinungod
4,298
UPD Ugnayan ng Pahinungod

UPD Ugnayan ng Pahinungod

The Volunteer Service Program of the University of the Philippines Diliman.

𝐁𝐀𝐒𝐀𝐘𝐀 𝐃𝐚𝐲 𝟔Isa na namang Sabado ng pagkatuto at pagbabahagi ang naging tampok sa Lupang Pangako Elementary School noong Hunyo 20, 2026, sa pangunguna ng mga volunteer tutor ng Ugnayan ng Pahinungod bilang bahagi ng patuloy na implementasyon ng BASAYA.Pinangunahan nina Lead Teachers Lovely at Jane ang Circle Time, kung saan aktibong nakilahok ang mga bata sa mga paunang gawain bilang paghahanda sa mga susunod na bahagi ng sesyon. Pagkatapos nito, isinagawa ang one-on-one tutorial session na nagbigay ng pagkakataon sa bawat volunteer tutor na makapaglaan ng mas personal na paggabay sa kani-kanilang mga mag-aaral.Sinundan ito ng storytelling activity na pinangunahan nina Lead Teachers Fayla at Isabel, na tampok ang kuwentong "Ang Mahiyaing Manok". Sa pamamagitan ng kuwento at talakayan, nahikayat ang mga bata na magkaroon ng higit na kumpiyansa sa sarili at paniniwala sa kanilang kakayahan, habang napagtatanto na may mga taong handang sumuporta sa kanila, tulad ng naging suporta ng mga kapwa manok kay Onyok.Sa pagtatapos ng sesyon, nagsagawa ng debriefing ang mga volunteer tutor upang pagnilayan ang naging takbo ng programa, magbahagi ng mga obserbasyon at karanasan, at magbigay ng mga mungkahing makatutulong sa patuloy na pagpapabuti sa implementasyon ng BASAYA.Maraming salamat sa lahat ng volunteer tutors at facilitators na patuloy na naglalaan ng kanilang oras, puso, at malasakit upang gawing makabuluhan ang bawat sesyon ng BASAYA. Hanggang sa susunod na Sabado!𝙈𝙖𝙠𝙞𝙗𝙖𝙝𝙖𝙜𝙞, 𝙈𝙖𝙠𝙞𝙥𝙖𝙢𝙪𝙝𝙖𝙮, 𝙈𝙖𝙜𝙥𝙖𝙝𝙞𝙣𝙪𝙣𝙜𝙤𝙙!#BASAYA2026 #TutorialServiceProgram #UPDPahinungod #DilimanPahinungod #UtakPusoDiwa ... See MoreSee Less
View on Facebook
𝐁𝐀𝐒𝐀𝐘𝐀 𝐃𝐚𝐲 𝟓Muling naging makabuluhan at masaya ang araw ng pagkatuto sa Lupang Pangako Elementary School noong Hunyo 13, 2026, sa pangunguna ng mga volunteer tutor ng Ugnayan ng Pahinungod.Sinimulan ang sesyon sa Circle Time na pinangunahan nina Lead Teachers Cassy at Isabel. Nakiisa ang mga bata sa larong "Makinig, Makinig, Pares na Tunog" na nagbigay sa kanila ng pagkakataong malinang ang kanilang kakayahang makinig, makipag-ugnayan sa kapwa, at matukoy ang magkatugmang tunog. Kasunod nito, isinagawa ang one-on-one tutorial session, kung saan nagpatuloy ang bawat volunteer tutor sa paggabay sa kani-kaniyang mga mag-aaral.Sinundan ito ng storytelling activity na pinangunahan nina Lead Teachers Fatima at Jane, na tampok ang kuwentong “Sungit" ni Liza Flores. Sa pamamagitan ng kuwento, napagnilayan ng mga bata ang kahalagahan ng pag-unawa at pamamahala sa sariling damdamin, lalo na sa mga pagkakataong nakararanas ng pagkainis o galit. Natutuhan din nila na may mas mabuting paraan ng pagtugon sa mga hindi inaasahang sitwasyon. Maraming salamat sa lahat ng volunteer tutors at facilitators na patuloy na naglalaan ng kanilang oras, puso, at malasakit upang gawing makabuluhan ang bawat sesyon ng BASAYA. Hanggang sa susunod na Sabado!𝙈𝙖𝙠𝙞𝙗𝙖𝙝𝙖𝙜𝙞, 𝙈𝙖𝙠𝙞𝙥𝙖𝙢𝙪𝙝𝙖𝙮, 𝙈𝙖𝙜𝙥𝙖𝙝𝙞𝙣𝙪𝙣𝙜𝙤𝙙!#BASAYA2026 #TutorialServiceProgram #UPDPahinungod #DilimanPahinungod #UtakPusoDiwa ... See MoreSee Less
View on Facebook
𝐁𝐀𝐒𝐀𝐘𝐀 𝐃𝐚𝐲 𝟒"Hindi dapat ikahiya ang kapansanan, sapagkat hindi ito kasawian." — PutotIto ang mahalagang aral na baon ng mga bata sa ikaapat na araw ng BASAYA Tutorial Program sa Lupang Pangako Elementary School noong Hunyo 6, 2026.Sinimulan nina T. KC at T. BK ang sesyon sa isang masaya at interaktibong laro kung saan bumuo ang mga bata ng cup towers batay sa pattern na pinili nila. Sa pamamagitan ng gawaing ito, nahasa hindi lamang ang kanilang kakayahang sumunod sa mga panuto at pattern, kundi pati na rin ang kanilang pagtutulungan, pagkamalikhain, at kasiyahan sa pagkatuto.Kasunod nito, nagpatuloy ang one-on-one tutorial sessions, kung saan ginabayan at tinuruan ng bawat volunteer tutor ang kani-kaniyang learner.Bago matapos ang sesyon, ibinahagi nina T. Raj at T. Pye ang kuwento ni Putot, ang munting asong ipinanganak na maikli ang buntot. Sa pamamagitan ng kanyang kuwento, natutunan ng mga bata na ang bawat isa ay natatangi at karapat-dapat na tanggapin at mahalin anuman ang kanilang pagkakaiba o kakayahan.Maraming salamat sa lahat ng volunteer tutors at facilitators na patuloy na nagbibigay ng oras, puso, at malasakit upang gawing makabuluhan ang bawat sesyon ng BASAYA.Hanggang sa susunod na Sabado! 𝙈𝙖𝙠𝙞𝙗𝙖𝙝𝙖𝙜𝙞, 𝙈𝙖𝙠𝙞𝙥𝙖𝙢𝙪𝙝𝙖𝙮, 𝙈𝙖𝙜𝙥𝙖𝙝𝙞𝙣𝙪𝙣𝙜𝙤𝙙!#BASAYA2026 #TutorialServiceProgram #UPDPahinungod #DilimanPahinungod #UtakPusoDiwa ... See MoreSee Less
View on Facebook
𝐁𝐀𝐒𝐀𝐘𝐀 𝐃𝐚𝐲 𝟑 Muling napuno ng saya, laro, at makabuluhang karanasan ang Sabado sa Lupang Pangako Elementary School noong Mayo 30, 2026, sa pagpapatuloy ng BASAYA Tutorial Program.Pinangunahan ng Team Power Rangers ang buong sesyon. Sinimulan nina T. Mari at T. Rhea ang masiglang Circle Time na naghikayat sa mga bata na aktibong makilahok, makipaglaro, at maghanda para sa mga gawain sa araw.Pagkatapos nito, nagpatuloy ang one-on-one tutorial sessions, kung saan buong pusong ginabayan ng mga volunteer tutor ang kanilang mga learner sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasa gamit ang mga gawaing angkop sa kakayahan at pangangailangan ng bawat bata.Bilang pagtatapos ng araw, pinangunahan nina T. Minnie at T. Isabel ang Kwentuhan. Masayang nakinig, nakibahagi, at nagbahagi ng kanilang mga saloobin ang mga bata habang sabay-sabay nilang tinuklas ang isang kuwento na humubog sa kanilang pag-unawa, imahinasyon, at pagmamahal sa pagbabasa.Maraming salamat sa lahat ng volunteer tutors at facilitators na patuloy na naglalaan ng kanilang oras, puso, at dedikasyon upang gawing makabuluhan at masaya ang bawat sesyon ng BASAYA. Hanggang sa susunod na Sabado! 𝙈𝙖𝙠𝙞𝙗𝙖𝙝𝙖𝙜𝙞, 𝙈𝙖𝙠𝙞𝙥𝙖𝙢𝙪𝙝𝙖𝙮, 𝙈𝙖𝙜𝙥𝙖𝙝𝙞𝙣𝙪𝙣𝙜𝙤𝙙!#basaya2026 #tutorialserviceprogram #UPDPahinungod #dilimanpahinungod #UtakPusoDiwa ... See MoreSee Less
View on Facebook
𝘾𝙖𝙧𝙞𝙣𝙜 𝙛𝙤𝙧 𝙩𝙝𝙚 𝙨𝙚𝙡𝙛 𝙖𝙨 𝙬𝙚 𝙘𝙖𝙧𝙚 𝙛𝙤𝙧 𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧𝙨 Idinaos noong Hunyo 18, 2026 ang 🌱Mental Health and Wellness and Psychological First Aid (PFA) Orientation🌱 kasama ang mga kawani ng UP Philippine General Hospital (PGH) 🚑🏥Ang sesyon na ito ay isang mahalagang hakbang sa pagbuo ng peer support sa ospital. Lalo nitong pinapalalim ang pagpapahalaga sa pangangalaga sa ating sariling mental health, nang tayo'y maging mas epektibong tagakalinga sa bayan na pinagsisilbihan🔋Maraming salamat sa PGH Office of the Deputy Director for Health Operations para sa imbitasyon, at sa ating Peer Support Volunteer na si Mx. Kai Pariñas na nagpadaloy ng sesyon 🌻Kailangan ng makakausap? Nais ng karamay sa pagharap sa buhay? Maaaring mag-email sa psppahinungod.upd@up.edu.ph upang mag-iskedyul ng psychosocial session kasama ng ating mga trained peer support volunteers (PSVs) 🫶𝙈𝙖𝙠𝙞𝙗𝙖𝙝𝙖𝙜𝙞, 𝙈𝙖𝙠𝙞𝙥𝙖𝙢𝙪𝙝𝙖𝙮, 𝙈𝙖𝙜𝙥𝙖𝙝𝙞𝙣𝙪𝙣#psychosocialsupportprogramog#UPDPahinungodu#UtakPusoDiwaoDiwa ... See MoreSee Less
View on Facebook