Who is UPD Ugnayan ng Pahinungód?

Our history and progress so far!

Ugnayan ng Serbisyong Pampubliko

See what the UP Diliman Community has to say through this Human Resource Library

Women of Pahinungod: Stories of Service

In the March of 2025, to celebrate Women’s Month, the UPD Ugnayan ng Pahinungód will highlight the experiences and contributions of its women volunteers. The Women of Pahinungód initiative will document their stories through interviews, showcasing their impact and how volunteerism has shaped their lives. This initiative recognizes their efforts and hopes to inspire others in the UP community to serve.

WE ARE DEDICATED

UPD Ugnayan ng Pahinungód Gallery

QUEERAPATAN: A Gender and Human Rights Roundtable Discussion

The Gender and Human Rights Roundtable Discussion is an initiative by Ugnayan ng Pahinungod UP Diliman to engage Pahinungod volunteers and other participants in a thorough exploration of pressing gender and LGBTQ+ issues. Recognizing the crucial connection between gender and human rights, this session, facilitated by a panel of experts, will address essential topics including gender-based violence, LGBTQ+ rights, and intersectionality. Volunteers will gain in-depth insights and practical knowledge from the discussion.

Testimonial

Recent Activities

Cover for UPD Ugnayan ng Pahinungod
4,326
UPD Ugnayan ng Pahinungod

UPD Ugnayan ng Pahinungod

The Volunteer Service Program of the University of the Philippines Diliman.

𝐏𝐎-𝐑𝐀𝐂 𝐍𝐀 𝐈𝐓𝐔𝐔𝐔𝐔!!! 🤘🤘🤘 𝐔𝐏 𝐃𝐈𝐋𝐈𝐌𝐀𝐍 𝐔𝐆𝐍𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐇𝐈𝐍𝐔𝐍𝐆𝐎𝐃 𝐆𝐎𝐄𝐒 𝐓𝐎 𝐏𝐎𝐑𝐀𝐂, 𝐏𝐀𝐌𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀!Kasama ang UP Diliman Extension Programs in Pampanga and Olongapo, inilunsad din ang rebyu para sa College Admission Tests (CATs) sa ilalim ng Affirmative Action Program (AAP). Noong ika-4 ng Hulyo, isinagawa ang pre-test examinations, rebyu at post-test examinations para sa Language Proficiency at Reading Comprehension kasama ang mga Grade 12 students ng Sapang Uwak High School, Porac Model Community High School, Villa Maria Integrated School, Planas High School, Mary the Queen College Pampanga, Eastern Porac National High School, Porac National High School, at St. Catherine's Academy. Bago matapos ang unang araw ng rebyu, kinumusta ni Porac Mayor, Kgg. Trisha Angelie "Jen" G. Capil, ang mga mag-aaral at nagpahayag ng suporta sa kanila.Sa ikalawang araw, pinaunlakan naman ni Kgg. Norman King, Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) ng Porac, ang mga mag-aaral at hinikayat ang mga ito na ipagpatuloy ang pag-abot sa kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng pagtatapos ng kanilang pag-aaral.Matagumpay ding naisagawa ang rebyu at post-test examinations para sa Science at Mathematics na sinundan ng simulation test sa parehong araw.Nagbigay din ng mensahe ng suporta para sa mga mag-aaral at pasasalamat sa mga bumubuo ng AAP-Pampanga si UPD Ugnayan ng Pahinungód Officer-in-Charge, Prof. Jose Carlo G. de Pano.Nagpapasalamat ang UPD Pahinungód sa UP DEPPO na kinabibilangan nina Director Patrick de Leon, Prof. Rhayan Melendrez, Prof. Sharon Manuel, at Prof. Joy Santiago. Pinasasalamatan din natin ang Porac LGU, sa pamamahala ni Mayor Jen Capil, at ang Porac Tourism, Arts and Culture Office sa pangunguna ni Ma’am Gemilyn A. Marimla.Higit sa lahat, naging malaki rin ang bahagi ng UPD Pahinungod volunteers at mga mag-aaral ng Porac sa tagumpay ng ating unang Affirmative Action Program sa Pampanga.Hangad namin ang inyong tagumpay ‘di lamang sa pagtatapos sa Grade 12 kundi sa pagpapatuloy din ninyo sa kolehiyo. Kaagapay ninyo ang buong komunidad ng UP sa pagkamit ng inyong mga pangarap.𝐃𝐚𝐤𝐚𝐥 𝐩𝐮𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐚𝐭 𝐦𝐢𝐤𝐢𝐭-𝐢𝐤𝐢𝐭 𝐭𝐚𝐦𝐮 𝐩𝐮 𝐩𝐚𝐬𝐢𝐛𝐚𝐲𝐮! 🧡💛💙𝙈𝙖𝙠𝙞𝙗𝙖𝙝𝙖𝙜𝙞, 𝙈𝙖𝙠𝙞𝙥𝙖𝙢𝙪𝙝𝙖𝙮, 𝙈𝙖𝙜𝙥𝙖𝙝𝙞𝙣𝙪𝙣𝙜𝙤𝙙!#AffirmativeActionProgram#UPDPahinungod #DilimanPahinungod #UtakPusoDiwa ... See MoreSee Less
View on Facebook
𝐆𝐎𝐎𝐃𝐍𝐄𝐒𝐒 𝐆𝐑𝐀𝐂𝐈𝐎𝐔𝐒 👱🏻‍♀️💅 𝐒𝐈𝐋𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐔𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐑𝐄𝐕𝐈𝐄𝐖𝐄𝐄𝐒 𝐍𝐆 𝐀𝐅𝐅𝐈𝐑𝐌𝐀𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝐍𝐆 𝐔𝐏𝐃 𝐔𝐆𝐍𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐇𝐈𝐍𝐔𝐍𝐆𝐎𝐃! Nakasama ng UPD Ugnayan ng Pahinungód ang ilang estudyante mula sa Grade 12 ng Krus Na Ligas High School noong Hunyo upang tulungan silang mag-rebyu para sa kanilang nalalapit na College Admissions Tests (CATs). Sinimulan ito sa pagsasagawa ng pre-test examinations noong Hunyo 8 habang ang unang rebyu at post-test examinations para sa Language Proficiency at Science ay isinagawa noong Hunyo 13. Sa kasunod na linggo, Hunyo 20, nagkaroon naman ng rebyu at post-test examinations para sa Mathematics at Reading Comprehension. Noong Hunyo 27 naman ay isinagawa ang Simulation Exams upang mas mapaghandaan ng mga estudyante ang nalalapit na CATs. Malaking pasasalamat ng UPD sa mga Tutor Trainers na naglaan ng oras upang gabayan ang mga Volunteer Tutors at bumuo ng pre/post test examinations para sa mga estudyante. Maraming, maraming salamat din sa mga volunteer tutors na naging malaking bahagi upang maging posible ang unang iterasyon ng programang ito. Sa mga Krusians na nakilahok sa ating aktibidad, pagbati, at nawa’y matiwasay ninyong matapos ang Grade 12, at good luck sa CATs! 𝙈𝙖𝙠𝙞𝙗𝙖𝙝𝙖𝙜𝙞, 𝙈𝙖𝙠𝙞𝙥𝙖𝙢𝙪𝙝𝙖𝙮, 𝙈𝙖𝙜𝙥𝙖𝙝𝙞𝙣𝙪𝙣𝙜𝙤𝙙!#AffirmativeActionProgram#UPDPahinungod #DilimanPahinungod #UtakPusoDiwa ... See MoreSee Less
View on Facebook
𝐁𝐀𝐒𝐀𝐘𝐀 𝐃𝐚𝐲 𝟔Isa na namang Sabado ng pagkatuto at pagbabahagi ang naging tampok sa Lupang Pangako Elementary School noong Hunyo 20, 2026, sa pangunguna ng mga volunteer tutor ng Ugnayan ng Pahinungod bilang bahagi ng patuloy na implementasyon ng BASAYA.Pinangunahan nina Lead Teachers Lovely at Jane ang Circle Time, kung saan aktibong nakilahok ang mga bata sa mga paunang gawain bilang paghahanda sa mga susunod na bahagi ng sesyon. Pagkatapos nito, isinagawa ang one-on-one tutorial session na nagbigay ng pagkakataon sa bawat volunteer tutor na makapaglaan ng mas personal na paggabay sa kani-kanilang mga mag-aaral.Sinundan ito ng storytelling activity na pinangunahan nina Lead Teachers Fayla at Isabel, na tampok ang kuwentong "Ang Mahiyaing Manok". Sa pamamagitan ng kuwento at talakayan, nahikayat ang mga bata na magkaroon ng higit na kumpiyansa sa sarili at paniniwala sa kanilang kakayahan, habang napagtatanto na may mga taong handang sumuporta sa kanila, tulad ng naging suporta ng mga kapwa manok kay Onyok.Sa pagtatapos ng sesyon, nagsagawa ng debriefing ang mga volunteer tutor upang pagnilayan ang naging takbo ng programa, magbahagi ng mga obserbasyon at karanasan, at magbigay ng mga mungkahing makatutulong sa patuloy na pagpapabuti sa implementasyon ng BASAYA.Maraming salamat sa lahat ng volunteer tutors at facilitators na patuloy na naglalaan ng kanilang oras, puso, at malasakit upang gawing makabuluhan ang bawat sesyon ng BASAYA. Hanggang sa susunod na Sabado!𝙈𝙖𝙠𝙞𝙗𝙖𝙝𝙖𝙜𝙞, 𝙈𝙖𝙠𝙞𝙥𝙖𝙢𝙪𝙝𝙖𝙮, 𝙈𝙖𝙜𝙥𝙖𝙝𝙞𝙣𝙪𝙣𝙜𝙤𝙙!#BASAYA2026 #TutorialServiceProgram #UPDPahinungod #DilimanPahinungod #UtakPusoDiwa ... See MoreSee Less
View on Facebook
𝐁𝐀𝐒𝐀𝐘𝐀 𝐃𝐚𝐲 𝟓Muling naging makabuluhan at masaya ang araw ng pagkatuto sa Lupang Pangako Elementary School noong Hunyo 13, 2026, sa pangunguna ng mga volunteer tutor ng Ugnayan ng Pahinungod.Sinimulan ang sesyon sa Circle Time na pinangunahan nina Lead Teachers Cassy at Isabel. Nakiisa ang mga bata sa larong "Makinig, Makinig, Pares na Tunog" na nagbigay sa kanila ng pagkakataong malinang ang kanilang kakayahang makinig, makipag-ugnayan sa kapwa, at matukoy ang magkatugmang tunog. Kasunod nito, isinagawa ang one-on-one tutorial session, kung saan nagpatuloy ang bawat volunteer tutor sa paggabay sa kani-kaniyang mga mag-aaral.Sinundan ito ng storytelling activity na pinangunahan nina Lead Teachers Fatima at Jane, na tampok ang kuwentong “Sungit" ni Liza Flores. Sa pamamagitan ng kuwento, napagnilayan ng mga bata ang kahalagahan ng pag-unawa at pamamahala sa sariling damdamin, lalo na sa mga pagkakataong nakararanas ng pagkainis o galit. Natutuhan din nila na may mas mabuting paraan ng pagtugon sa mga hindi inaasahang sitwasyon. Maraming salamat sa lahat ng volunteer tutors at facilitators na patuloy na naglalaan ng kanilang oras, puso, at malasakit upang gawing makabuluhan ang bawat sesyon ng BASAYA. Hanggang sa susunod na Sabado!𝙈𝙖𝙠𝙞𝙗𝙖𝙝𝙖𝙜𝙞, 𝙈𝙖𝙠𝙞𝙥𝙖𝙢𝙪𝙝𝙖𝙮, 𝙈𝙖𝙜𝙥𝙖𝙝𝙞𝙣𝙪𝙣𝙜𝙤𝙙!#BASAYA2026 #TutorialServiceProgram #UPDPahinungod #DilimanPahinungod #UtakPusoDiwa ... See MoreSee Less
View on Facebook
𝐁𝐀𝐒𝐀𝐘𝐀 𝐃𝐚𝐲 𝟒"Hindi dapat ikahiya ang kapansanan, sapagkat hindi ito kasawian." — PutotIto ang mahalagang aral na baon ng mga bata sa ikaapat na araw ng BASAYA Tutorial Program sa Lupang Pangako Elementary School noong Hunyo 6, 2026.Sinimulan nina T. KC at T. BK ang sesyon sa isang masaya at interaktibong laro kung saan bumuo ang mga bata ng cup towers batay sa pattern na pinili nila. Sa pamamagitan ng gawaing ito, nahasa hindi lamang ang kanilang kakayahang sumunod sa mga panuto at pattern, kundi pati na rin ang kanilang pagtutulungan, pagkamalikhain, at kasiyahan sa pagkatuto.Kasunod nito, nagpatuloy ang one-on-one tutorial sessions, kung saan ginabayan at tinuruan ng bawat volunteer tutor ang kani-kaniyang learner.Bago matapos ang sesyon, ibinahagi nina T. Raj at T. Pye ang kuwento ni Putot, ang munting asong ipinanganak na maikli ang buntot. Sa pamamagitan ng kanyang kuwento, natutunan ng mga bata na ang bawat isa ay natatangi at karapat-dapat na tanggapin at mahalin anuman ang kanilang pagkakaiba o kakayahan.Maraming salamat sa lahat ng volunteer tutors at facilitators na patuloy na nagbibigay ng oras, puso, at malasakit upang gawing makabuluhan ang bawat sesyon ng BASAYA.Hanggang sa susunod na Sabado! 𝙈𝙖𝙠𝙞𝙗𝙖𝙝𝙖𝙜𝙞, 𝙈𝙖𝙠𝙞𝙥𝙖𝙢𝙪𝙝𝙖𝙮, 𝙈𝙖𝙜𝙥𝙖𝙝𝙞𝙣𝙪𝙣𝙜𝙤𝙙!#BASAYA2026 #TutorialServiceProgram #UPDPahinungod #DilimanPahinungod #UtakPusoDiwa ... See MoreSee Less
View on Facebook